Nung weekend, pinapanood ko ang kapatid kong batang babae na naglalaro ng PC games. Nakakamangha kasi ang galing nya! Naisip ko swerte naman nito, nung bata ako, sa ganung edad, Super Mario 2 ang pinaka hi-tech na laro na nalaro ko; sa Family Com pa. Pero napag-isip isip ko, sa araw araw na nakikita ko sya, kung walang pasok at hindi sya nagrereview, PC at PSP ang nilalaro. Kahit yung mga kababata nya ganun din. Puro mga techie kids. Madami na alam sa techie stuff kahit wala pang teen stage. Swerte sa swerte, pero kung tutuusin, hindi ko gusto ang nangyayari.
Ibang-iba ang mga laro noon. Malayong malayo at hindi mo pwede ikumpara sa mga hi-tech games ngayon. Halimbawa, ano ang laban ng piko sa dance-dance revo o kaya baril-barilan sa counter strike? Para sa mga kabataan ngayon, mag-counter na lang sila, di pa sila pagod.
Pero kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pa rin ang sipa, syato, patintero, tumbang preso, mataya-taya, langit lupa, yoyo, trumpo, agawang-base(moro-moro), luksong-tinik, luksong-baka, black 1-2-3, follow the leader, bahay-bahayan, chinese garter, 10-20, monkey-monkey, Dr. Kwak-kwak, saka RPG (role playing games na hindi sa PC, kundi yung kunyari ikaw si Red 1, tapos yung bestfriend mo si Green 2, yung bading na bata si Pink 5, etc...).
Para sa akin, mas masaya ito. Iba ang tinuturo ng mga larong ito. Oo, aminado ako, mas nai-stumulate ang mga utak ng mga kabataan sa hi-tech na games. Mas tumatalino sila, pero hanggang dun lang. Wala masyadong improvement ang social skills at character formation. Noon, kapag wala ka laruan, maglakad ka lang sa bakuran mo makakagawa ka ng truck-trakan na gawa sa mga lata, o kaya soapy bubbles from gumamela. Ang mga bata ngayon, pag di pinayagan magamit ang PC or consoles nila, iiyak na lang. Walang initiative at creativity. Noon, kapag mas madami, mas masaya. Ngayon, mas madaming nakikisali sa hi-tech games nila, mas nakakainis para sa kanila. Walang social awareness. Noon, katulong ang mga tatay at kuya sa paggawa ng sarangola, turumpo, o kaya baril-barilan. Ngayon, pinagtatawanan nila mga tatay nila dahil hindi masyado marunong sa PC. Kulang na sa family bonding. Noon, kapag nadapa ang mga bata, most of the time, tatayo yan at sasabihin- "Hindi naman masakit!". Ngayon, pag nadapa, ngangawa na lang at hihintayin nilang pulutin sila ng mga yaya o magulang nila. Lampa! Dati bihira ang mga lampa. Ngayon, halos lahat ng bata lampa!
Haay nako... ang dami-dami ko pang pwede isulat dito... baka lang humaba.
Anyway, hindi ako dapat mainggit sa mga bata ngayon. Dapat maawa ako sa kanila. Dahil lalaki ang karamihan sa kanila na matatalinong lampa at hindi marunong sa buhay!