Monday, July 28, 2008

Ka-henerasyon kita kung:

*alam mo kung ano ang gagawin kapag naburot ka sa syato

*naghanap ka ng balat ng candy para gamitin sa tingga para makapaglaro kayo ng sipa

*nakakanta mo ng maayos ang - "10 20 30 40 50 60 70 80 90 100"

*gumamit ka ng water-gun sa baril-barilan

*ang text ay wala sa cellphone kundi sa kahon ng sapatos at binibilang ng ganito - "I-sa-da-lawa-tat-lo-cha!"

*naghanap ka ng gagambang lason para ilaban sa mayabang mong kaibigan na may undefeated na gagambang totoo

*alam mo ang kaibahan ng mga tunog ng binatog, ice cream, puto, taho, at balut

*napapanuod mo minsan si Ka Gerry Heronimo sa Ating Alamin

*Gumagawa ka ng bangkang papel kapag bumabaha

*gumamit ka ng kanin para ipandikit sa sarangola mong gawa sa tingting at dyaryo

*astig para sayo ang may game and watch

*mas astig ang may brick game

*kumakain ka ng aratilis

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles

*pinipilit ka matulog ng nanay mo pag hapon

*alam mo ang langit-lupa at monkey-monkey


*kinabisado mo ang - up,up,down,down,left,left,righ,right,b,a,b,a,select,start

*kilala mo si buknoy the fighting ball

*alam mo kung naka-ilang yellow four sa bioman

*nanunuod ka ng dragon ball kapag 5:30 dahil idol mo si goku, o kung babae o bading ka naman, sailormoon dahil crush mo si tuxedo mask

*mighty kid sapatos mo


*nagsulat ka ng - "Thank you for giving me the chance to write in your slumbook. J.A.P.A.N."


*alam mo kung ano ang susunod sa -"Bolang bilog, wag patulog-tulog, sabihin sakin ang sagot- ______________"


*Kapag may higanteng itlog na mahuhulog sa batya sa shaider, alam mo ang tugtog.

*idol mo si McGyver

*wala kayong telepono at nakikitawag ka lang dati - di-ikot pa mga telepono

*cute pa para sayo si aiza seguerra

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin

*bumibili ka ng bazooka bubble gum... at binabasa mo yung comics sa loob

*ang tawag mo sa porn ay bold

No comments: