I boarded the taxi. I was so tired and the driver looks innocent enough so I thought it would be a good idea to take a little nap on my way home...
But the taxi driver has other things on his mind:
Driver: Lagi ka ba umuuwi ng ganitong oras?
Me: Madalas ho, kailangan mag-overtime eh.
Driver: Mahirap din talaga kapag call-center noh?
Me: Oho... pero hindi ho ako call center...
Driver: Hehe... maloko ka ah, mali pala tanong ko... dapat pala, "Mahirap talaga kapag nagtatrabaho sa call center..."
Me: Hehehe, tama ho yung tanong n'yo, hindi ho kasi talaga ako nagtatrabaho sa call center. Sa consulting industry ho ako.
Driver: Ah ganun ba. Ano ba kumpanya mo?
Me: Accenture ho.
Driver: Di ba call center yun?
Me: Meron ho kami call-center, pero hindi ho ako dun.
Driver: Ahh ikaw yung nagmamanage ng mga call center...
Me: Hindi ho. Ibang linya ho ng business. Consulting.
Driver: Ano ba kaibahan nun?
Me: (Sus! kailangan ko pa ba iexplain!?) Sa Consulting ho... gumagawa ho kami ng mga solutions para ma-improve ang business processes ng mga companies.
Driver: Hehe, kahit ipaliwanag mo sa akin yan, hindi ko maiintindihan. (Sabay bukas ng pinto nya at dura sa kalsada)
Me: Hehe. (Medyo naiinis na natutuwa ako sa pag-uusap namin ni Manong)
Driver: Nakakapunta ka ba ng ibang bansa d'yan sa trabaho mo?
Me: Oho.
Driver: Saan ka huling nagpunta?
Me: Sa Switzerland ho.
Driver: Aba ayos pala noh. Saan ba yun sa US?
Me: Sa Europe ho.
Driver: Kasi yung anak ko, pinadala sa US. Pinag-training ng isang buwan. Call Center din yun.
Me: Ayos! Pero yung sakin ho, hindi ho training. Trabaho talaga.
Driver: Dyan pala sa mga call center na malalaki, talagang ipapadala ka sa ibang bansa. Magaling na nga mag-Ingles yung anak ko eh. Kailangan kasi sa call center na magaling ka mag-Ingles eh kasi daw puro amerikano kausap nila.
Me: Oho. Kailangan talaga.
Driver: Eh di magaling ka na ding mag-spokening dollar?
Me: Hehe, hindi ho masyado. Pero kailangan din kasi sa kliyente namin eh.
Driver: Oo, mga amerikano kausap mo eh.
Me: Europeans ho.
Driver: Saan ka nga ulit nagpunta?
Me: Sa Switzerland ho.
Driver: May mga call centers din ba dun?
Me: Wala ho. Karamihan ho ng call centers nasa Third World Countries kasi mura ang bayad sa tao.
Driver: Ah ganun ba, eh ano ginawa mo dun?
Me: Nagtrabaho ho.
Driver: Mahirap din ba trabaho sa call center?
Me: Siguro ho. Hindi ko ho masabi, kasi hindi ako call center eh.
Driver: Wala namang masama sa call center ah.
Me: Wala ho.
Driver: Marami kasing nahihiya na nasa call center sila.
Me: Marami ho ba?
Driver: Oo
(Mga limang minutong katahimikan...)
Driver: Hindi daw nagagamit ang pinag-aralan sa kolehiyo...
(Limang minuto ulit...)
Driver: Hello? How may I help you?... hehe... hehe...
Me: (Maiba lang ang usapan) May sukli ho kayo sa limang daan?
Driver: Ay meron na ata...
Me: Sige ho, express way na rin ho tayo para mabaryahan itong pera ko.
Driver: Bakit kaya biglang dumami ang call center dito sa Pinas?
Me: Kasi ho mura ang bayad sa tao.
Driver: Sa Europe ba may call center?
Me: (Hay naku!!! Kailan ba ako dadating sa bahay!?) Meron din ho siguro pero kokonti. Kasi mahal ang bayad sa tao dun. Karamihan ho nasa Pinas o kaya India.
Driver: Malaki din sahod sa call center eh noh?
Me: Malaki-laki din ho.
Driver: Kaya ako, kahit makatapos ako, magc-call center ako eh.
Me: Idlip muna ako manong... (Inihiga ko ng bahagya ang sandalan at nagkunyaring tulog para makaiwas sa call-center mania ni Manong)
Driver: Baka lumagpas tayo...
Me: Hindi ho, ako bahala...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
steady lang meng...
sobrang badtrip ren ako dati kasi palaging inaakalang call center. instead na ma hassle pa, sinasabi ko na lang HR ako sa isang call center (ACN) para tapos na usapan.
-diane f.
Post a Comment